GMA Logo Sexbomb Concert
What's Hot

Tickets para sa Sexbomb Girls concert, mabibili na!

By Marah Ruiz
Published October 15, 2025 2:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Sexbomb Concert


Alamin kung magkano at saan maaaring bumili ng tickets para sa upcoming concert ng Sexbomb Girls.

Nagsimula na ngayong araw, October 15, ang ticket selling para sa inaabangan reunion concert ng iconic girl group na Sexbomb Girls.

Pinamagatang "Get, Get Aw! The Sexbomb Concert," nakatakda itong itanghal ngayong December 4 sa Araneta Coliseum.

Mabibili ang tickets sa TicketNet sa halagang P7,500 (SVIP), P5,500 (VIP), P4,500 (Patron), P3,500 (Lower Box), P1,500 (Upper Box), at P500 (General Admission).



Sa isang nakaraang interview para sa 24 Oras, ibinahagi ni Sexbomb Girls member Mia Pangyarihan kung paano natuloy sa wakas ang reunion concert na laging nire-request ng kanilang mga tagahanga.

"Every Christmas party, lagi namin siyang pinag-uusapan, lagi namin siyang pinakukuwentuhan. Until this year talaga, actually last year, 'no, nag-usap na tayo. Sabi niya (Rochelle Pangilinan), 'Tara na,'" kuwento ni Mia.

Naging bukas naman sa ideya ng isang reunion concert ang mga miyembro, kahit 'yung mga hindi na aktibo sa showbiz.

"Ang daming pagkakataon na gustong mabuo ito, ang grupo, pero ngayon lang talaga dahil sa dahil number one, sila. Sila talaga 'yung kumontak sa amin para gawin na natin 'to. Kasi tumatanda na 'ko eh. Ayan ah, hindi ko na sinabing kayo. Tumatanda na 'ko eh, baka hindi na 'ko makapag-split," lahad ni Weng Ibarra.

Bukod sa treat para sa kanilang fans, gusto ni Sexbomb Girls leader na makilala rin ng mga mas batang henerasyon ang kanilang grupo.

"Sana 'yung legacy na iniwan ng SexBomb nung 2000s, na kasabay namin ang mga millenials, ay maipasa sa Gen Z hanggang Gen Alpha," aniya.

Bumili na ng ticket para sa "Get, Get Aw! The Sexbomb Concert" sa www.ticketnet.com.ph.
https://www.ticketnet.com.ph/event-detail/SEXBOMB-2025

SAMANTALA, SILIPIN DIN ANG MATIBAY NA PAGKAKAIBIGAN NG SEXBOMB GIRLS DITO: