
Undisputed king ng commercial spoof ang multi-awarded gag show na Bubble Gang!
At bilang regalo sa kanilang mga Kababol this December 25, bibigyan nila ng kulit version ang viral commercial ad ng soft drink brand na RC Cola Philippines.
May pasilip ang flagship comedy show sa mapapanood ngayong Biyernes ng gabi, kung saan bibida sa 'BG Cola' sina Archie Alemania at sexy comedienne na si Lovely Abella.
Kaya sa araw ng Pasko, maki-bonding with your favorite comedians sa nangungunang gag show sa puso n'yo!
Tikman ang sarap ng tawanan na hatid ng Bubble Gang sa Biyernes ng gabi, pagkatapos ng finale episode ng Descendants of The Sun.
Mask-Taken identity ng 'Bubble Gang', patok online!
Malisyosang tindahan ni Aling Alicia