What's on TV

Tikman ang tamis ng pag-ibig sa bagong season ng 'Regal Studio Presents'

By Marah Ruiz
Published July 3, 2025 7:57 PM PHT
Updated July 8, 2025 11:49 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBI searches Cabral's Baguio hotel room
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Regal Studio Presents


Matamis ang pag-ibig sa mga bagong kuwento sa new season ng 'Regal Studio Presents.'

Matitikman natin ang tamis ng pag-ibig sa brand new episodes na hatid ng bagong season ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.

Sweet and sticky tulad ng mga kakanin ang episode na "Dikit-dikit, Lagkit-Lagkit."

Bibida rito sina Sofia Pablo at Allen Ansay bilang kakanin vendors na magpapasiklaban sa kanilang recipes.

Magtatambal naman sina Arra San Agustin at Yasser Marta sa "Instant Boyfriend."

Tungkol ito sa isang herederang magpapakilala ng pekeng fiance sa lolo niya para makuha ang kanyang mana.

Kasing lamig ng ice cream ang puso ng isang lady boss sa episode na "Frozen Heart."

Bibigyang-buhay nina Tanya Ramos at Rob Gomez ang kuwento ng terror CEO ng isang ice cream company at ng bago niyang empleyado na magpapalambot sa kanyang puso.

Abangan din ang tambalan nina Ricci Rivero at Roxie Smith sa "My Sweet Charity" kung saan susubukan ng isang lalaki na ayusin ang kanyang nasirang reputasyon matapos mag-viral.

Sasabak siya sa iba't ibang charity works pero magiging ka-partner niya rito ang isang lalaking sobrang kasalungat niya sa ugali.

Huwag palampasin ang matatamis at nakakakilig na kuwento ng bagong season ng Regal Studio Presents, every Sunday, 2:00 p.m. sa GMA.

Maaari ring i-livestream ang mga episodes nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.