
Makikisaya ang buong TiktoClock family sa mga Tiktropa sa Davao City ngayong August 20.
In celebration of Kadayawan festival ay makakasama ng Tiktropa sa Davao sina Pokwang, Kuya Kim Atienza, Rabiya Mateo, Faith Da Silva, at Jayson Gainza sa Davao.
RELATED GALLERY: 'TiktoClock' hosts Pokwang, Kuya Kim, Rabiya, Faith at Jayson, puno ng good vibes sa kanilang pictorial
Mapapanood sina Pokwang, Kuya Kim, Rabiya, Faith, at Jayson sa Ayala Malls Abreeza Activity Center.
Abangan ang happy time na hatid ng TiktoClock sa August 20 sa Davao at 4:00 p.m. Kita kits, mga Tiktropa!
Samantala, sumalang ang TiktoClock hosts sa isang masayang pictorial at plug shoot. Nagbahagi pa sila ng kanilang mga kuwento tungkol sa tinututukang morning variety show at mga dapat abangan sa TiktoClock.
Narito ang ilang detalye sa kanilang happy time sa set sa Kapuso Insider:
Patuloy na subaybayan ang TiktoClock Lunes hanggang Biyernes, 11:15 am sa GMA Network. Mapapanood din ang TiktoClock sa GMA Network YouTube channel at TiktoClock Facebook page.