
"Four the win" at siksik sa happy time ang week-long fourth anniversary celebration ng TiktoClock!
Sa darating na July 27 hanggang 31, mapapanood ang panalong guests, solid na paandar, makulit na games, bonggang papremyo, at matinding pasiklaban sa 4th anniversary ng TiktoClock.
Abangan ang mga inihanda ng Kapuso morning variety show at ng hosts na sina Kuya Kim Atienza, Faith Da Silva, Herlene Budol, Allen Ansay at Jayson Gainza para sa mga Tiktropa.
PHOTO SOURCE: TiktoClock
Sa ikaapat na taon ng TiktoClock, makiki-celebrate sina Janice at Gelli De Belen para sa isang Sis reunion. Mapapanood din ang real-life couple na sina Glydel Mercado at Tonton Gutierrez.
Tampok din sa anibersaryo ng TiktoClock ang Stars on the Floor season 1 and 2 winners na sina Rodjun Cruz, Dasuri Choi, Jeromy ng Hori7on, at Sugar Mercado. Kasama rin na makiki-celebrate sina Golden Cañedo at AC Bonifacio ng NIXI mula sa Born to Shine, at sina Dustin Yu, Bianca De Vera, Josh Ford, at AZ Martinez.
Maki-party na sa "Four the Win" 4th anniversary ng TiktoClock sa July 27 (Lunes) hanggang July 31 (Biyernes), 11:00 am sa GMA at sa Kapuso Stream.