GMA Logo TiktoClock
PHOTO SOURCE: TiktoClock
What's on TV

'TiktoClock,' nakakuha ng Anak TV Seal Award ngayong 2025

By Maine Aquino
Published December 5, 2025 5:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

TiktoClock


Congratulations, TiktoClock!

Isang parangal ang tinanggap ng Kapuso morning variety show na TiktoClock.

Ang TiktoClock ay isa sa mga programa ng GMA Network na kinilala sa 2025 Anak TV Seal Awards.

Ang Anak TV ay nagbibigay ng parangal sa mga programang angkop sa mga kabataang manonood. Ayon sa anaktv.ph, "These programs have been voted by thousands of parents and professionals as child-friendly and child-sensitive shows recommended for their children and families."

Ginanap noong December 2 ang 2025 Anak TV Seal Awards sa The Peninsula Manila kung saan nakatanggap ng pagkilala ang mga iba't ibang programa at personalidad sa industriya.

Kabilang sa kinilala sa 2025 Anak TV Seal Awards ay ang TiktoClock na bahagi ng GMA Entertainment programs mula sa television category na nakatanggap ng Anak TV Seal.

Sa post ng TiktoClock, nagpapasalamat sila sa mga sumusuporta sa programa.

"Maraming salamat, Tiktropa, sa walang sawang pagsubaybay tuwing 11:00 AM sa paborito n'yong tambayan bago mananghalian! Patuloy naming ihahatid ang all-out Happy Time sa inyo sa mga susunod pang taon!"

Congratulations, TiktoClock!

SAMANTALA, NARITO ANG MGA KAPUSO STARS NA KINILALA SA 2025 ANAK TV SEAL AWARDS: