
Sinimulan ng TiktoClock ang programa ngayong October 1 sa isang pakikidalamhati at pagdarasal para sa mga naapektuhan ng lindol sa Cebu.
Kagabi, September 30, niyanig ng magnitude 6.9 na lindol ang Cebu. Ayon pa sa balita, marami ang nasaktan at may mga naitalang nasawi sa lindol.
Nagbigay ng mensahe si Pokwang sa programa. Saad ng TiktoClock host, "Mula sa lahat ng hosts, guests, at lahat ng bumubuo ng TiktoClock, kami po ay nakikidalamhati at patuloy na nagdarasal para po sa mga kababayan natin na nasalanta ng lindol sa Cebu at iba pang probinsya sa Visayas."
Dugtong pa naman ni Kuya Kim Atienza, "Tulad ng araw-araw naming sinasabi, ano man po ang pinagdadaanan ng ating bansa, panata namin na samahan kayo. Sama-sama nating harapin ang bagong umaga sa TiktoClock."
Saad naman sa post ng TiktoClock mula sa episode ngayong October 1, "Nakikidalamhati ang #TiktoClock at patuloy na nananalangin para sa mga kababayan natin sa Cebu."
Samantala, patuloy na subaybayan ang TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 a.m. sa GMA.