GMA Logo TiktoClock
What's on TV

'TiktoClock,' patuloy na nananalo sa ratings ngayong 2023

By Maine Aquino
Published January 7, 2023 10:24 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Alex Eala rules SEA Games women’s tennis; Gilas teams reach gold medal round
Ika-169 nga kaadlawan sang Ilonggo nga baganihan nga si Graciano Lopez Jaena, ginakomemorar
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

TiktoClock


Sama-sama pa rin tayo sa happy time na hatid ng 'TiktoClock!'

Ngayong 2023 ay panalo pa rin sa ratings ang TiktoClock!

Nitong January 3 at 5 ay muling nagwagi sa ratings ang masayang variety show sa umaga ng GMA Network.

Ang programang pinagbibidahan nina Kuya Kim Atienza, Pokwang, at Rabiya Mateo ay nakakuha ng 4.5 at 5.0 percent rating ayon sa NUTAM People Ratings.

Sa Instagram story, nagpasalamat si Pokwang sa mga sumusubaybay sa TiktoClock. Ani Pokwang, "Grabe naman. Salamat po!"

Nag-comment naman si Kuya Kim sa Facebook page ng TiktoClock. Saad ng TiktoClock host, "GOD IS GOOD!"

Huwag magpahuli at patuloy lamang na sumubaybay sa exciting na games at pamimigay ng blessings ng TiktoClock!

Panoorin ang TiktoClock sa GMA Network at sa livestream sa GMA Network YouTube channel at TiktoClock Facebook page, Monday to Friday, 11:15 a.m.

SAMANTALA, BALIKAN ANG BONDING NINA KUYA KIM, POKWANG, AT RABIYA SA ZAMBOANGA: