
Kaabang-abang na agad ang newest episode ng Pambansang Comedy Show na Bubble Gang sa darating na Linggo, November 30.
Sa teaser videos na in-upload ng Kapuso gag show sa iba't ibang social media platform, ipinasilip nila ang pagbabalik ng isa sa “Moymoy Palaboy” na si Rodfil Obeso.
#BubbleLegacy: Male stars na hinubog ng 'Bubble Gang' sa pagpapatawa
At kahapon, may patikim din ng bagong karakter niya sa show ang pinakabagong Ka-Bubble na si Cartz Udal. Nakilala si Cartz sa TikTok content niya bilang si “Malanding Tomboy.”
Kung matatandaan, sa 30th anniversary concert noong Oktubre, ipinakilala sina Cartz, Aaron Maniego, Aly Alday, Erika Davis, at Jona Ramos bilang mga newest addition sa show.
Marami na rin sa Batang Bubble ang aliw na aliw at excited na makita ang magiging character ni Cartz.
Source: Bubble Gang
Huwag palagpasin ang all-new episode ng Bubble Gang ngayong November 30 sa oras na 6:10 p.m.
RELATED GALLERY: Meet our newest Batang Bubble barkada!