
Nagdadalamhati ngayon ang maraming TikTok users dahil sa pagpanaw ng content creator na si Jules Eusebio o mas kilala online na si 'The Dub King.'
Ayon sa isang source na isa sa malalapit na kaibigan ni Jules na nakausap ng GMANetwork.com, nagkaroon ng severe typhoid fever ang TikTok star na naging dahilan upang tuluyang bumigay ang kanyang katawan.
Nakilala si Jules online dahil sa kanyang mga nakakaaliw na video kung saan idina-dub niya ang mga sikat na linya ng mga celebrity sa isang programa sa TV o pelikula.
@juleseusebio PILAY ANG PAA HAHAHA #wowowin #ecq2021 #dubberkads #dubkingjules ♬ Attitude_yarn_Wowowin.Kid_Batang_Aegis - DOBBYPH OFFICIAL🇵🇭
December 14, 2021 nang maimbitahan sa longest-running noontime show sa bansa na Eat Bulaga si Jules bilang isa sa mga guest sa segment na "Bawal Judgmenta.l" Dito ay nakausap niya ang kanyang idolo na si phenomenal star at original Dubsmash queen Maine Mendoza. Maluha-luha pa noon ang TikTok star nang makita at makausap sa personal si Maine.
Kuwento niya noon, "Nag-start ako Dubsmash pa lang siya, 2017, so nung nagkaroon ng TikTok nilipat ko 'yung account ko doon so 'yun talagang sinusundan ko 'yung consistent yapak ni Ms. Maine."
Panoorin ang naging pagbisita ni Jules sa Eat Bulaga sa video na ITO:
Ngayon, maraming fans at followers ni Jules sa TikTok ang nagdadalamhati sa kanyang biglaang pagpanaw.
@mommybets It's very hard to accept the truth that you left me @juleseusebio #dubkingjules I know you're back with our heavenly Father. Painful for me but enjoy your eternal life in heaven ❤️ #dubberkads ♬ Memories (Drinks Bring Back) - Ajay Stephens
@jrsumang1981 Paalam kaibigan @juleseusebio #jrsumang1981 #teamjrsumang1981 #jrsumanglangsakalam #katuronnijr #perlasnijr #dubberkads ♬ original sound - jrsumang1981
Samantala, kilalanin naman ang ilang sikat na TikTok stars na napapanood na rin ngayon sa mainstream sa gallery na ito: