
Pinag-uusapan sa social media ang katatapos lang na episode ng Abot-Kamay Na Pangarap na ipinalabas nito lamang Martes, October 3.
Sa episode na may hashtag na #Checkmate, natunghayan na nalaman na ni Analyn (Jillian Ward) ang ginawa ni Moira (Pinky Amador) sa kanyang ama na si Doc RJ (Richard Yap).
Kinompronta pa ni Analyn si Zoey (Kazel Kinouchi), ang anak ni Moira.
Kasabay ng pag-uusap ng viewers at netizens tungkol dito, isang content creator ang viral ngayon sa TikTok dahil sa naging reaksyon nito sa naturang eksena.
Siya si Isaiah Maris, ang content creator na hindi napigilang mag-react nang mapanood niya na nalaman na ni Doc RJ na si Moira ang may kasalanan kung bakit siya nahulog noon sa hagdan.
Mababasa sa video niya, “POV: Malapit na maabot ni Analyn ang pangarap niyang makulong si Moira.”
Ayon naman sa caption Isaiah, “Papa-misa ako dahil sa wakas nabunyag na ang kasinungalingan nina Moira at Zoey.”
Sa kasalukuyan, mayroon umabot na sa 1 million ang views ang TikTok video.
@__yelooo PAPA-MISA AKO DAHIL SA WAKAS NABUNYAG NA ANG KASINUNGALINGAN NI MOIRA AT ZOEY 😩 #abotkamaynapangarap ♬ original sound - AYSEYA
Bukod dito, mayroon ding nakakaaliw na reactions si Isaiah sa iba pang mga eksena sa Abot-Kamay Na Pangarap.
Samantala, maaaring balikan ang naturang eksena sa video na ito:
Sabay-sabay nating abangan ang susunod pang mga kapana-panabik na eksena sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: