GMA Logo Sassa Gurl and Erwan Heussaff
What's Hot

TikTok star Sassa Gurl, binalikan ang pagiging calendar model ng isang liquor brand

By Aedrianne Acar
Published March 24, 2022 2:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Drug war victims reject Duterte camp bid for info related to case participants
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Sassa Gurl and Erwan Heussaff


Sassa Gurl on LGBTQIA+ personalities: “Madalas sa mga bakla, hindi kinukuha for endorsement."

Kinaaliwan online ang pagsasama ng food vlogger at creative director na si Erwan Heussaff at TikTok star na si Sassa Gurl o Felix Petate sa totoong buhay.

Tampok si Sassa sa mukbang vlog ng kapatid ni Solenn Heussaff at dito natanong siya ni Erwan sa naramdaman niya nang kunin siya ng isang sikat na liquor brand para maging calendar model nila.

Tanong ni Erwan: “When you did it, did you understand what you were doing? Like in terms of the effect it would have and the impact it would have for people who might look up to you.”

A post shared by Sassa Gurl (@itssassagurl)

Aminado ang sikat na social media personality na nagulat siya nang makatanggap siya ng magagandang feedback tungkol sa kanyang pagiging endorser ng White Castle.

Kuwento ni Sassa Gurl, “I think noong una, parang nag-post ako na kung bakit wala nag-e-endorse ng alak ng mga bakla. Kasi, kami naman talaga 'yung nagpapa-inom.

“After a year,nagpa-contest ang White Castle, then sumali ako. Then nung sumali ako ayun ako napili nila, ang ending 'yung pangarap ko na gawin nagawa ko na.

“So, yes. Siguro hindi ko masyadong na-expect na ganun talaga kasabog, kasi siyempre 'di ba micro influencer lang naman talaga ako.”

Nakakatuwa rin ayon kay Felix na mas nagiging open ang ilang brands sa pagkuha ng endorser na mula sa LGBTQIA+ community tulad niya.

“Madalas sa mga bakla, hindi kinukuha for endorsement, brand [collaboration]. 'Di ba very rare, ngayon daw medyo [nagbabago], although meron naman talaga ngayon, pero sa mga ganyang masculine na brand na tinatawag nila, meron nang mga baklang puwede pumasok, LGBT lahat na 'di ba?”

Biro pa ni Sassa kay Erwan, “Tsaka 'pag nakakakuha ka ng kalendaryo ko 'di ba, makita mo 'yun. Straight man ka pa naman, iisipin mo sana 2023 na.”

Balikan ang panayam ni Erwan Heussaff with the internet sensation sa video below.

Noong June 2021, napanood na si Sassa Gurl sa episode ng Wish Ko Lang kung saan bida ang Sparkle heartthrob na si Ruru Madrid.

Narito pa ang ibang celebs na proud members of the LGBTQIA+ community: