GMA Logo David Licauco, James Licauco, Elan Alyssandra Licauco
Celebrity Life

TikTok video ni David Licauco kasama ang kanyang mga kapatid, kinaaliwan ng netizens

By Abbygael Hilario
Published June 6, 2023 6:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal David: Show kindness, compassion
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco, James Licauco, Elan Alyssandra Licauco


Tila sibling goals ang magkakapatid na sina James, Elan, at Pambansang Ginoo David Licauco sa kanilang bagong TikTok dance video!

Marami ang naaliw sa bagong TikTok video ng Pambansang Ginoo na si David Licauco.

Sa loob lamang ng anim na oras ay nakakuha na ito ng halos 100k views!

Umaapaw sa ka-cutean ang video na in-upload ni David sa kanyang account kung saan makikitang ginagawa niya ang isang trending na TikTok Dance challenge.

Kasama ang kanyang mga kapatid na sina James at Elan Alyssandra, ipinakita ni David sa kanyang mga followers ang kanyang TikToker side habang sinasayaw ang viral na “Cupid dance.”

@davidlicauco

😂😂😂

♬ Cupid - Twin Ver. (FIFTY FIFTY) - Sped Up Version - sped up 8282

Hirap man sa dance steps, tinapos pa rin ni David ang naturang sayaw habang nakangiti. Umani naman ito ng samu't saring reaksyon mula sa netizens.

Saad ng isa sa comments, “naka attend po ba ng practice si nyeyvid? HAHAHAHAHA ANG KYOT.”

Ayon naman sa isang netizen, “Individual grading. Cute!”

Sulat pa ng isa niyang fan, “Buti na lang cute ka!”

Samantala, kasalukuyang nasa Australia ang Kapuso actor kasama ang kanyang pamilya para sa kanilang much-deserved vacation.

Sa Instagram, ibinahagi ni David ang ilan sa kanyang mga larawan habang namamasyal sa ilang sikat na tourist spots sa Australia gaya ng Sydney Harbour.

A post shared by David Licauco (@davidlicauco)

TINGNAN ANG MODERN GENTLEMAN LOOKS NI DAVID LICAUCO SA GALLERY NA ITO: