
Pinusuan ng maraming netizens ang latest TikTok dance video ng batikang aktres na si Jean Garcia at kanyang anak na si Kotaro Shimizu.
Sa katunayan, mayroon na itong lagpas 2 million views at umabot na sa halos 200 thousand ang likes.
Sa nasabing TikTok video makikitang sabay na sumasayaw si Jean at Kotaro ng latest song ni Beyonce na "Cuff It."
@therealjeangarcia don't stop, can't stop 🫶🏻🤗✌🏻 @shimizu #jeangarcia #kotaroshimizu #fyp #foryou #foryourpage #tiktokph ♬ CUFF IT - Beyoncé
Namangha naman ang ilang netizens sa suwabeng galaw ni Jean na ayon sa kanila ay tila hindi tumatanda.
Hindi rin nakaligtas sa mga mata ng netizens ang kakaibang charm ni Kotaro na ayon din sa netizens ay may galawang pang-K-pop idol.
Matatandaan na naging trending din sa social media nang dalhin ng batikang aktres ang kanyang anak na si Kotaro bilang kanyang date sa first-ever GMA Thanksgiving Gala nito lamang July 2022.
Samantala, mapapanood naman si Jean sa top-rating drama series na Nakarehas na Puso, Lunes hanggang Biyernes sa GMA Afternoon Prime.
KILALANIN ANG ANAK NI JEAN GARCIA NA SI KOTARO SHIMIZU SA GALLERY NA ITO: