
Game na game sa paghataw ang 'Love. Die. Repeat.' actor na si Xian Lim sa TikTok video na in-upload ni Gardo Versoza sa kanyang Instagram account.
Kitang kita ang makulit na dance steps ni Xian habang kasama ang ilang co-stars sa GMA's Television drama romance series na 'Love. Die. Repeat'.
Ilan rito ay sina Myrtle Sarrosa at ang aktor na si Gardo Versoza.
Ayon sa caption ni Gardo Versoza, mukhang sabik na sabik raw si Xian Lim sa pagti-TikTok.
Lubos naman itong kinagiliwan at kinakiligan ng netizens kaya halos mapuno ng heart at laugh emojis ang comment section ng post.
Bukod sa pagiging mahusay na aktor at leading man, hindi rin maikakaila ang pagiging kwela ni Xian Lim.
Sa isang online presscon, matatandaang opisyal na ipinakilala ng GMA si Xian Lim bilang isang bagong Kapuso actor.
Sa isang interview, ipinaabot ni Xian Lim ang lubos na pasasalamat sa GMA Network.
“It feels wonderful to be a part of this series na 'Love. Die. Repeat.' and I feel grateful sa GMA Network na nabigyan nila ako ng pagkakataon to be part of this project.”
Dagdag pa ni Xian Lim, “I am very thankful. I'm very passionate with my work and as an artist, I love taking on projects na kakaiba.”
Kasalukuyang nasa locked-in taping si Xian para sa nalalapit na pagpapalabas ng drama series na 'Love. Die. Repeat.'
Ilan sa kasama ni Xian Lim rito, ay ang Ultimate Kapuso actress na si Jennylyn Mercado, Mike Tan, Lui Manansala, Gardo Versoza, Valerie Concepcion, Myrtle Sarrosa at iba pa.
Sa isang video sa Instagram, ibinahagi ng aktor na ginawa niyang isang mini gym ang balcony ng kanyang hotel room upang makapagworkout pa rin at mapanatili ang kanyang fit at healthy body.
Tingnan ang ilang pogi photos ni Xian Lim sa gallery na ito: