
Humahakot ng maraming views sa TikTok ang bagong kulitan moment ng Kapuso actresses na sina Andrea Torres at Lianne Valentin.
Patok sa netizens at viewers ang video nina Andrea at Lianne habang ginagawa ang isang TikTok trend.
Tampok sa video ang kanilang mga karakter sa intense drama na Akusada na sina Carol/Lorena at Roni.
Related gallery: On the set of 'Akusada'
Dito ay mapapanood ang kunwaring catfight scenes nila habang nasa set na tila katulad ng mga eksena nila sa serye.
Sa kasalukuyan, mayroon ng 93,000 views at 4,321 heart reactions ang video na mapapanood sa TikTok account ng Kapuso actress na si Lianne Valentin.
@liannevalentin Nakabawi na si Lorena kay Roni!!! 😂 Sinong gigil na gigil kay Roni? Taas kamay!! Hahaha 😅 Nood lang po kayo nang AKUSADA!! 4pm sa GMA Afternoon Prime 🫶🏻 @Andrea Torres @Sparkle GMA Artist Center @GMA Network ♬ original sound - Lianne Valentin
Samantala, si Andrea ay napapanood sa intense drama bilang si Carol/Lorena, ang partner ngayon ni Wilfred (Benjamin Alves).
Si Lianne naman ay kilala bilang si Roni, ang kontrabida sa serye at ex-girlfriend ni Wilfred.
Huwag palampasin ang mga intense na eksena sa 2025 drama series na Akusada, weekdays 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring balikan at panoorin ang full episodes nito sa gmanetwork.com/Akusada.
Related content: The many characters of Andrea Torres