GMA Logo Jeff Moses and Raheel Bhyria
What's on TV

TikTok video nina Jeff Moses at Raheel Bhyria, patok sa 'Abot-Kamay Na Pangarap' viewers

By EJ Chua
Published June 26, 2023 6:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

900 families affected by Mayon unrest in Albay receive aid from GMA Kapuso Foundation
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Jeff Moses and Raheel Bhyria


Pati sa social media ay nagpapakilig ang 'Abot-Kamay Na Pangarap' stars na sina Jeff Moses at Raheel Bhyria.

Kinagigiliwan ng mga manonood ang ilang dance videos ng Abot-Kamay Na Pangarap actors at Sparkle stars na sina Jeff Moses at Raheel Bhyria.

Bukod sa kanilang mga karakter sa serye, sinusubaybayan din ng mga manonood at netizens ang mga ganap sa kanilang mga buhay na ibinabahagi nila sa kani-kanilang social media accounts.

Patok sa viewers ang TikTok videos ng dalawa, kung saan mapapanood ang kanilang kahanga-hangang dance moves.

Sa Facebook page ng Filipino-Pakistani actor na si Raheel, mapapanood na game na game niyang sinayaw ang isang TikTok trend habang kasama ang kanyang co-actor na si Jeff.

Kapansin-pansin sa video ang good looks ng dalawang aktor na napapanood bilang leading men ni Doc Analyn, ang karakter ni Jillian Ward sa naturang serye.

Ang ilang viewers at netizens, hindi napigilang kiligin sa ipinamalas na husay sa pagsayaw ng kanilang mga iniidolo.

Narito ang ilan sa kanilang reaksyon at komento:

@kleanpapi may naiwan sa drafts hahaha #fyp #abotkamaynapangarap ♬ original sound - iya

Si Jeff ay napapanood sa Abot-Kamay Na Pangarap bilang si Reagan Tibayan, habang si Raheel naman ay kilala sa serye bilang si Harrison “Harry” Benitez.

Sino kaya sa kanila ang mas matimbang sa puso ni Doc Analyn?

Patuloy na subaybayan ang hit inspirational-medical drama na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng Abot-Kamay Na Pangarap DITO:

KILALANIN ANG MGA TAONG SUMUSUPORTA KAY DOC ANALYN SA GALLERY SA IBABA: