
Hindi bababa sa one million views ang natanggap ng nakakatawang video ng Owe My Love co-stars na sina Long Mejia at King Badger.
Tampok sina Long at King Badger, o Jon Gutierrez sa totoong buhay, sa isang TikTok video ng GMA Public Affairs. Magkasama ang dalawa bilang mag-ama sa upcoming Kapuso rom-com series na Owe My Love.
Mapapanood si King Badger na gumagawa ng kung ano-anong dance moves at pagpapa-cute habang kinukuhanan siya ni Long ng video. Sa huli ay ipinakita rin ang nakakatawang reaksyon ng nakatatandang komedyante.
Ayon pa sa caption, “'Yung wala kang alam sa pinaggagagawa niya sa TikTok.”
@gmapublicaffairs 'Yung wala kang alam sa pinaggagagawa niya sa TikTok 🤣 ##gmapublicaffairs ##funny ##comedy ##tiktokph ##pinoytiktok ##fyp ##foryourpage ##xyzbca ##OweMyLove
♬ original sound - Anjas saputra 16
As of this writing, ang kanilang video ay mayroon nang one million views, mahigit 68,000 likes, at mahigit 700 comments.
RELATED CONTENT:
TikTok video ng #JoLai couple na sina King Badger at Jelai Andres, may mahigit 1M views na
WATCH: Mahal, napagkamalang pusa sa office ng GMA Network?