GMA Logo Akusada cast
Courtesy: Andrea Torres (TikTok)
What's on TV

TikTok videos ng 'Akusada' stars, kinagigiliwan online

By EJ Chua
Published August 20, 2025 11:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Akusada cast


Panoorin ang ilang TikTok videos ng 'Akusada' stars dito:

Patok sa netizens at viewers ang videos ng Akusada stars na mapapanood sa TikTok.

Related gallery: At the set of 'Akusada'

Kinagiliwan sa video-sharing app ang kulitan at bonding moments ng cast habang sila ay nasa set ng intense drama series.

Isa sa mga humakot ng maraming views ay ang video na in-upload ng lead actress na si Andrea Torres sa kanyang TikTok account.

Game na game na naki-TikTok sa kanya ang kanyang co-stars na sina Benjamin Alves, Ashley Sarmiento, Marco Masa, Shyr Valdez, Erin Espiritu, at Eunice Lagusad.

Sa kasalukuyan, mayroon na itong 586,000 views.

@andreatorres0504 Actors in po!!! Hahaha! #Akusada #tiktokph #trending #fyp #gma ♬ original sound - The Kelley Family

Ang isa namang video kung saan ibinida ng cast ang kanilang iba't ibang pose ay mayroon nang mahigit 320,000 views.

@gmanetwork Makisaya na sa #Akusada ♬ original sound - GMA Network

Bukod sa mga ito, marami rin ang naaliw sa latest TikTok video nina Andrea Torres at Lianne Valentin, kung saan nag-reenact sila ng kanilang catfight scenes bilang sina Lorena at Roni.

@liannevalentin Nakabawi na si Lorena kay Roni!!! 😂 Sinong gigil na gigil kay Roni? Taas kamay!! Hahaha 😅 Nood lang po kayo nang AKUSADA!! 4pm sa GMA Afternoon Prime 🫶🏻 @Andrea Torres @Sparkle GMA Artist Center @GMA Network ♬ original sound - Lianne Valentin

Si Andrea ay napapanood sa intense drama bilang si Carol/Lorena, ang partner ngayon ni Wilfred (Benjamin Alves) na ex-boyfriend naman ni Roni (Lianne Valentin).

Huwag palampasin ang mga intense na eksena sa 2025 drama series na 'Akusada,' weekdays 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Maaaring balikan at panoorin ang full episodes nito sa gmanetwork.com/Akusada.

Related gallery: The many characters of Andrea Torres