
Napanood n'yo na ba ang dance videos ni Jillian Ward habang suot ang kaniyang mga outfit bilang si Analyn Santos?
Bukod sa kaniyang kahanga-hangang acting skills sa Abot Kamay Na Pangarap, ipinapamalas din ni Jillian ang kaniyang dancing skills sa ilang videos niya sa TikTok.
Suot ang kaniyang mga costume bilang si Analyn, ang karakter na ginagampanan niya sa bagong GMA drama series, mapapanood ang Kapuso actress habang sumasayaw.
Ilan sa dance videos niya ang humahakot ng daan-daang views sa sikat na video-sharing application.
Isa sa kinagiliwan ng netizens ay ang entry ni Jillian para sa isang TikTok trend.
Mapapanood siya sa video na mahinhin na sinasayaw ang “Amazing” habang suot ang kaniyang uniform sa medical school.
Ang video na ito ay mayroon nang mahigit 702,000 views sa TikTok.
@jillianwxrd Hi - Analyn Santos ☺️♥️ #JillianWard #AbotKamayNaPangarap #Fyp ♬ Amazing Slowed - Kuya Magik
Isa rin sa humakot ng maraming views ay ang video ng Kapuso star habang suot ang kaniyang graduation toga gown.
Sa ngayon, mayroon nang 483,000 views ang video na ito ng aktres.
@jillianwxrd hi <3
♬ Amazing Slowed - Kuya Magik
Noong Agosto, isang dance video ni Jillian ang humakot ng mahigit 13 million views sa TikTok.
Sa kasalukuyan, mayroong 4.6 million Tiktok followers ang Abot Kamay Na Pangarap star na si Jillian Ward.
Subaybayan ang kaniyang karakter bilang youngest doctor sa bansa sa Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
SAMANTALA, TINGNAN ANG ILANG BEACH PHOTOS NI JILLIAN WARD SA GALLERY SA IBABA: