Article Inside Page
Showbiz News
Tweetbiz: Tim Yap, sinagot na ang isyu ng tampuhan nila ni Pia Guanio
Last week hanggang ngayon ay mainit na pinag-usapan ang umano’y hiwalayan ng magkarelasyong sina Vic Sotto at Pia Guanio. Sa isang episode nga ng
Tweetbiz last week ay patanong na ibinalita ni Tweetmoso-in-chief Tim Yap kung totoo nga bang hiwalay na sina Vic at Pia. May natanggap daw kasi siyang balita na umano’y hiwalay na ang dalawa.

Hindi naman naisip ni Tim na pagmumulan pala ito ng bagong intriga sa paglabas ng isyung sumama raw ang loob sa kanya ng kaibigan niyang si Pia dahil sa nabanggit niya sa
Tweetbiz.
Nasundan pa ito ng paglabas kahapon, July 7, ng isang balita sa PEP Scoopbox na: Tila nagkakalamat na ang friendship nina Tim Yap at Pia Guanio dahil sa pambubuko ni Tim sa breakup diumano nina Pia at Vic Sotto.
Dahil dito ay nagsalita na si Tim tungkol sa isyung ito. Pag-amin niya kinagabihan daw nang patanong niyang ibunyag sa
Tweetbiz ang umano’y hiwalayan nina Pia at Vic, kaagad daw na may mga nag-tweet sa kanya para tanungin kung totoo nga ba ito. Pero sinabi niyang gusto niya ring alamin ang katotohanan.
Nung gabing iyon ay nakipagkita rin daw agad siya kay Pia dahil paniniwala ni Tim na kung may problema o tampuhan man among friends mas maganda raw na mag-usap agad.
Pagdidiin pa ni Tim, “Okay kami ni Pia. Walang problema sa amin. We talked. Sana we’ll put this issue behind.”
Nasundan pa paw ang pagkikitang ito nang mag-videoke sila ni Pia kasama ang iba pa nilang mga kaibigan.
Nang tanungin ng
Tweetbiz team kung sino ba ang nag-initiate ng pag-uusap, sinabi ni Tim na pareho nila talagang gustong mag-usap bago pa lumaki ang isyu.
Nang kumustahin naman kung okay ba sila ni Vic, sabi ni Tim, si Pia raw ang nakakasama niya at hindi niya nakakausap si Vic. With due respect naman daw kay Vic ay hinahangaan niya at nirerespeto ang aktor dahil sa pagiging isa sa pillars ng industriya.
Sa isyu kung totoo nga bang hiwalay na sina Vic at Pia, ang sabi ni Tim ay ayaw na raw niyang pakialaman ang bagay na iyon dahil desisyon na nilang dalawa iyon. Hindi rin daw niya tinanong kay Pia ang bagay na ito.
Nakikiusap naman si Tim sa mga tao na sana raw ay irespeto na lang natin kung magsasalita nga ba o mananatiling tahimik sina Vic at Pia tungkol sa isyu ng hiwalayan.
Ang mahalaga raw ngayon ay nagkaayos na sila ni Pia. -
Tweetbiz
Pag-usapan si Tim Yap sa mas pinagandang
iGMA.tv Forum. Not yet a member? Register here!
Get more updates from Tim Yap thru his Fanatxt service. Just text
TIMYAP (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS wallpapers, text GOMMS (space)
TIMYAP (space|) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.