
Matapos ang matagal na pagkawala sa showbiz, nagbabalik na ang singer-actress na si Timmy Cruz sa pamamagitan ng murder-mystery drama series na Widows' War.
Sa Updated with Nelson Canlas podcast, ikinuwento ni Timmy ang dahilan kung bakit siya nagkaroon ng seven-year hiatus: ang laban niya sa breast cancer. Bago ito, naging bahagi siya ng teleseryeng Once Again noong 2016, kung saan isa sa mga eksena nila ay sa ospital.
“Yung aking anak du'n sa teleserye, si Jeric Gonzales, meron siyang sakit. Then habang nandu'n kami, nag-e-eksena kami, naisip ko, magpa-check-up ako. Meron akong bakanteng limang oras at the time, sabi pwede daw akong umalis sa set,” sabi niya.
“So, I left the set and decided to go to the hospital which is nearby to have a check-up. My doctor said I wasn't due for a check-up yet, so I waited for another two weeks to have a check-up,” pagpapatuloy ng aktres.
Aniya, ang ginawa sa kaniya ay ang usual annual check-up sa kaniya ngunit matapos ang ilang tests ay may nakita umano sa kaniyang dibdib. Sabi ng duktor niya sa kaniya, kailangan ma-biopsy na kung ano man ang nakita kay Timmy.
Sabi pa ng aktres ay sobrang liit lang nang nakita kaya't hindi masyado mararamdaman. Ngunit matapos ang ilang linggo, nakakaramdam umano siya ng “thunderbolt” sa kaniyang dibdib at inakalang nagkaka-heart attack na.
“So napahinto ako, sabi ko, 'Am I having a heart attack?' So I sat down and I prayed, I meditated, and I said, 'Lord, what's going on here?'” nasabi niya sa sarili.
Aniya, nawala din naman ito agad ngunit bumalik din kinalaunan kaya naman nagsabi na siya sa kaniyang duktor na magpapa-biopsy na siya. Matapos noon ay tinawagan na si Timmy ng kaniyang duktor at sinabing kailangan nitong makita siya.
Dahil weekend iyon, kailangan pa maghintay ni Timmy hanggang lunes ngunit dahil hindi na niya mahintay ay kinulit niya ang duktor na sabihin na.
Ani umano ng duktor, “'It's the C word.'”
“So you know, when you hear that, the world just comes crashing down, and all the optimism which I really have, I don't know what's up talaga in that one moment,” sabi ni Timmy.
Sabi ni Timmy ay nagkita rin sila ng kaniyang duktor matapos ang weekend at doon sinabi na sa kaniya kung ano-anong mga procedure ang gagawin. Ngunit pag-amin ng "Boy" singer, handa na siyang tanggapin kung ano man ang kakahinatnan niya.
BALIKAN ANG INSPIRING STORIES NG CELEBRITY CANCER SURVIVORS SA GALLERY NA ITO:
Nang tanungin kung ano ang nasa isip niya noong mga panahon na 'yun, ang sagot ni Timmy, “The only word that went inside my mind was death. It is a death sentence You go totally extreme and your mind just goes haywire crazy, and you're crying, you're asking questions, and stuff like that.
"But then, 'yun nga, there's a part of me, the larger part of me is the stable one, the one who says pause muna, relax muna, that's really who I am so when I was able to compose myself, in other words, buelo ka muna ng pinakahusto, stop everything.
Patuloy niya, “Nagpaalam ako sa teleserye, sabi ko this is what happened and I have to deal with it talaga. So, they understood everything and they helped me out so they eased out my character so that I was able to focus on my medical situation, so that's what I did."
Naging malaking tulong din daw para sa kaniya ang meditation. “I deleted all those other thoughts, the thoughts that make me scared and afraid and make me scared and afraid to make me wanna scream and shout super dramatic.”
Nang tanungin naman siya kung ano ang sinabi niya sa sarili para hindi manghina ang loob, inamin ni Timmy na iniyak niya muna lahat takot na nararamdaman niya. Naramdaman din daw niyang tila lumulutang lang siya ng ilang araw, at sinabing pakiramdam niya ay matutumba siya tuwing naglalakad.
Sabi pa niya, “Hindi ko naisip 'yung sayang, wala akong naisip na sayang kasi I've been living my life now to the fullest and to the best, so hindi ko naisip 'yun. Ang naisip ko lang is mawawala ka na. Mawawala ka na, tapos na. This is it. You're this age and this is the end of your life.”
Sa huli, napagdesisyunan na rin ni Timmy na ipatanggal ang isang breast niya. Pag-amin pa niya ay kinausap niya ito para tanungin kung ano ang nangyayari sa loob nito at nagpaalam.
“It's like cutting off half of you and it needs a lot of psychology and being the dramatic person that I am, I have this thing going on and I had to talk to myself a lot,” sabi niya.
Pakinggan ang buong interview ni Timmy dito: