GMA Logo Tina Panganiban Perez
Source: tinapanganibanperez (IG)
What's Hot

Tina Panganiban-Perez, inalala ang unang kaso ng COVID-19 sa bansa tatlong taon na ang nakararaan

By Aedrianne Acar
Published February 1, 2023 5:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Can the Philippines turn motorcycles into a tourism engine?
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Tina Panganiban Perez


Natatandaan n'yo pa ba kung ano ang ginagawa n'yo noong January 30, 2020, panahon na nagsisimulang kumalat ang COVID-19?

Nakakapangilabot pa rin isipin kung paano binago ng COVID-19 pandemic ang ating mga buhay.

Noong January 2020, idineklara ng World Health Organization (WHO) na isang public health emergency of international concern o PHEIC ang coronavirus outbreak.

At makatapos ang ilang linggo tinawag na ito na isang global pandemic.

Kaya naman sa Instagram Story ng seasoned reporter na si Tina Panganiban-Perez, inalala niya ang ulat niya noong January 30, 2020 nang makumpirma ang pinaka-unang kaso ng COVID-19 patient sa bansa na nakaratay sa isang ospital sa Maynila.

Source: tinapanganibanperez (IG)

Base sa datos ng Department of Health (DOH) , may 4,072,911 COVID-19 cases na naitala sa bansa as of January 29.

Kasamaang palad 65,767 sa ating kababayan ang namatay, dahil sa nakakahawang sakit.

TIGNAN ANG MGA CELEBRITIES NA GUMALING MULA SA SAKIT NG COVID-19 DITO: