
Maselan ang tema ng bagong episode ng drama anthology na Wish Ko Lang na pagbibidahan nina Tina Paner, Carlos Agassi, at Joel Palencia.
Tumatalakay ito sa isang sakristan (Joel) na napunta sa mundo ng prostitusyon dahil sa hirap ng buhay.
Source: joelpalencia (IG); tinapaner71 (IG); carlosagassi (IG)
“Akala nu'ng character ni Joel na tutulungan ko siya. Mabait akong tao. But ang totoong intension niya is i-scheme siya,” paglalawaran ni Carlos sa kanyang karakter sa drama special.
Si Tina ang gaganap na ina ni Joel dito.
“Ako 'yung mother ni Joel na very supportive mother. Nagkaroon ako ng sakit sa puso dahil sa may nangyari na something na dapat nilang abangan kay Joel,” aniya.
Madadramang eksena naman ang kinaharap ni Joel sa naturang episode.
“'Yung sa isang araw, parang five to six times yata ako umiyak du'n. Minsan kapag wala akong ginagawa parang ang ginagawa ko pupunta ako sa kotse tapos kailangan ko iidlip kasi 'yung mata ko sobrang tuyo na,” aniya.
Tampok din sa naturang episode sina Yvette Sanchez at Kyle Ocampo.
Mula sa direksyon ni Rommel Penesa, mapapanood ang bagong episode ng Wish Ko Lang sa Sabado, December 5, sa GMA.