Article Inside Page
Showbiz News
Ang Kapuso teen na si Jake Vargas, ipina-tattoo ang pangalan ni Bea Binene sa kanyang braso.
By SAMANTHA PORTILLO
Wagas ang pag-ibig ni Jake Vargas kay Bea Binene dahil nakuha niyang ipa-tattoo ang pangalan nito sa kanyang braso. Ano naman kaya ang reaksyon ni Bea dito?
Kuwento ni Jake sa 24 Oras, “Ako po ang nag-isip. Kami naman ni Bea kaya okay lang para sa akin.”
Kinilig naman daw si Bea Binene sa ginawa ng kanyang boyfriend.
“Initial reaction ko, ‘Ay, kulay pula,” at saka ang laki. Akala [ko] maliit lang, eh kitang-kita at saka malaki, pero siyempre natuwa ako.”
Lubos rin ang pasasalamat ng JaBea love team dahil sa pagkakahirang sa kanila bilang Couple of the Year sa nakaraang Yahoo Celebrity Awards. Tinalo nila ang iba pang sikat na celebrity couples tulad nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, Angel Locsin at Luis Manzano at pati sina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz.
Ngayon, mas inspirado pang magtrabaho ang dalawa dahil magsasama sila sa isang horror film. Kasama rin nila sa nasabing pelikula ang Kapuso actress na si Sarah Lahbati.
“Mas marami ‘yung excitement kaysa sa pressure ngayon, as of the moment,” ani Bea.
Dagdag ni Jake, “Maganda ‘yung storya and sinabihan na rin kami ni Direk…’yung character namin, kung paano ‘yung gagawin.”