
Bukod sa magiging launching project ni Pauline Mendoza bilang lead star ang Babawiin Ko Ang Lahat, mas lalong magiging exciting ang mga hapon n'yo, mga Kapuso, dahil bahagi rin nito ang dalawa sa promising leading men ng Kapuso Network.
Hindi lamang mga nagbabagang eksena at drama scenes sa Babawiin Ko Ang Lahat, kaabang-abang din dito ang on-screen chemistry ni Pauline kina Dave Bornea at Manolo Pedrosa.
Gananap ang dalawa bilang love interest ni Iris (Pauline Mendoza), na sasamahan siya sa kanyang journey para mabawi ang lahat nang inagaw sa kanya ng unang asawa ng kanyang ama (John Estrada) na si Dulce (Carmina Villarroel).
Sa panayam ng entertainment press kina Dave at Manolo, inisa-isa nila ang qualities ni Pauline Mendoza na tunay na nagpahanga sa kanila nang sumabak sila sa lock-in taping for Babawiin Ko Ang Lahat noong nakaraang taon.
Para kay Dave, na gaganap bilang Randall sa serye, sinabi nito na magaan katrabaho si Pauline.
“Si Pauline naman po, napaka-solid as in. Noong una medyo nangangapa pa of course, pero itong lock-in taping, ito talaga 'yung nagpa-buo sa amin, as in kumportable kami sa isa't-isa.
“Mas lalo noong tuluy-tuloy na 'yung mga taping, wala naman po problema kay Pauline napaka-professional, napaka-gaan kasama,”
Samantala si Manolo, na napiling gumanap bilang Justin, pinuri ang husay ng co-star kahit mabigat ang eksena nito sa Babawiin Ko Ang Lahat.
“It's just a pleasure to work with Pauline kasi sobrang galing niya, because there are times in Unit 2, kasi there's only one cam, we have to take different angles and most of her scenes are crying. So, she has to repeat that same scene over-and-over again to create the same effect.
“And that's really hard as actor, so much props to Pauleen and for me as an actor, ang sarap ng trabaho ko, kasi I just have to react to Pauline and it's there.
“I already feel it, so big pleasure to work with Pauline.”
Higit kilalanin ang magpapa-init at magpapakilig ng mga hapon n'yo sa GMA Afternoon Prime na sina Dave at Manolo sa gallery below.
Team Randall o Team Justin ba kayo, mga Kapuso?