What's Hot

Tirso Cruz III continues work amid grief of losing son TJ

By Nherz Almo
Published December 6, 2018 7:46 PM PHT
Updated December 6, 2018 7:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News



Tirso Cruz III shows up at the Jack Em Popoy media conference despite the fact that he is still mourning the death of his son TJ Cruz, “Dapat lang ihiwalay namin yung personal [na buhay] namin doon sa trabaho namin.”

Sa kabila ng pagluluksa, dumalo pa rin ang aktor na si Tirso Cruz III sa media conference ng pelikulang Jack Em Popoy kanina, December 6.

“I'm fine. I'm coping with the situation in life,” sabi ng award-winning actor nang kumustahin siya ng entertainment reporters.

Noong nakaraang buwan lamang nang pumanaw ang panganay niyang anak na si TJ Cruz dahil sa sakit na lymphatic cancer.

Kasunod nito ay ipinaliwanag ni Tirso ang kaniyang pagdalo sa Jack Em Popoy mediacon, "Sabi nga nila, yung mga taga-showbiz alam yata lahat 'yong saying na, 'The show must go on no matter what.'

“Dumadating ang mga tao sa entablado, sa telebisyon, sa pelikula. Nandoon ang mga tao para manood ng palabas.

“Dapat lang ihiwalay namin yung personal [na buhay] namin doon sa trabaho namin.

“Kapag trabaho, trabaho. Yung personal will come later.

“Alam ko naman yung mga Pilipino, likas sa atin 'yong kapag nalaman nilang may pinagdadaanan man yung mga taon, nauunawaan nila 'yun.

“But, of course, kami namang mga artista, ang tungkulin namin ay ibigay ang talent namin at ibigay kung ano 'yung inaasahan ng mga tao.”

Anak ni Tirso Cruz III na si TJ, pumanaw na dahil sa cancer

Kaugnay nito, sinabi rin ni Tirso na minsan lamang sa isang taon mangyayari ang maging bahagi ng isang pelikulang makapagpapasaya sa Kapaskuhan.

Aniya, “Kaya kami narito, Kapaskuhan, e, dapat kasiyahan, dapat maging maligaya lahat.

“Christmas comes once a year, lalo na rito sa Pilipinas, parang sa buong mundo tayo ang may pinakamahabang mag-celebrate ng Pasko, e.

“Kaya talagang ibig sabihin, people look forward to it, and they look forward to be entertained and it will be a fun time.

“At the end of the year, magiging masaya yung preparation for the incoming year.”

WATCH: Tirso Cruz III and family dance to honor TJ Cruz's memory

Dagdag pa niya, “Nagpapasalamat lang din ako sa mga naituro sa akin ng mga magulang ko at sa mga natutunan ko sa mga kapuwa artista ko, na gaya nang may pinagdadaanan kang mabigat, sarilinin mo muna.

“Paglingkuran mo muna yung mga pinagkakautangan mo, 'yung utang ng loob mo sa trabaho mo, sa tungkulin mo.

“Then, of course, hindi naman siya second place, but 'yung personal mo, saka mo lang siya ma-e-entertain after the work.”