
Maraming netizen ang naantig sa Instagram post ng veteran actor na si Tirso Cruz III na muling inalala ang yumaong anak na si TJ Cruz.
READ: Tirso Cruz III, miss na miss ang yumaong anak na si TJ ngayong Pasko
Binawian ng buhay ang dating teen actor noong November 21, 2018 dahil sa sakit na lymphatic cancer.
Base sa post ni Tirso, ibinahagi niya na mahilig sa mga aso ang anak. Ikinalungkot din ng batikang aktor na hindi natupad ni TJ ang isa niyang hiling na makabalik sa kanilang family farm.
“GODly heavenly morning my son. Here you are during the earlier days of our farm, taking a break from trying to train our two big dogs Choco & Martin. You were having a hard time because All they wanted was to play and run around. “
“You always had a soft heart even with our pets. I remembered you saying that you wanted to go back to the farm as soon as you recovered. Sadly, One of your wishes that was not fulfilled. You are greatly missed.”