GMA Logo Boy Abunda, Jobert Sucaldito
Source: Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

Tito Boy Abunda, ipinangako kay Jobert Sucaldito na bibigyan ito ng maayos na libing

By Kristian Eric Javier
Published August 3, 2026 5:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OVP did not attach receipts for supplies bought — witness
Ratsada Balita: August 3, 2026 | Livestream
Meysulao Elementary School, 'di na nawalan ng baha! | Reporter's Notebook

Article Inside Page


Showbiz News

Boy Abunda, Jobert Sucaldito


Alamin kung bakit si King of Talk Boy Abunda ang unang pinapatawagan ni Jobert Sucaldito sa kaniyang pagpanaw.

Bago pa pumanaw ang veteran entertainment columnist na si Jobert Sucaldito, o kilala rin bilang si Nanay Jobert, pinangakuan na siya ni King of Talk Boy Abunda na bibigyan siya ng maayos na pamamaalam at libing.

Sa 'Fast Talk with Boy Abunda' nitong Lunes, August 3, ibinahagi ng batikang host na isa sa mga huling kahilingan ni Jobert ay unang ipaalam kay Boy ang kanyang pagpanaw.

“Totoo ho 'yan, ipinaalam po nila sa akin kahapon na siya ay pumanaw na. It was very difficult,” sabi ni Boy.

Ipinaliwanag din ng tinaguriang King of Talk kung bakit siya ang gusto ni Jobert na unang makaalam ng balita.

Ani Boy, “Ibibigay ko lamang po ang kontexto kung bakit gusto niyang ako ang unang makaalam dahil parati niyang sinasabi, ang tawag po sa akin nu'n ay ser, 'Ser, gusto ko, 'pag ako ay pumanaw, maayos ang aking libing.' At I promised to do that.”

Ipinangako rin ni Boy sa anak ni Jobert na si Carlo Brian na “bibigyan natin ng maayos na pamamaalam, maayos na libing ang iyong ama.”

“Kaya sa lahat ng pamilya at kay Carlo, kay Brian, kami ay taos-pusong nakikiramay,” sabi ni Boy.

BALIKAN ANG DAHILAN NG PAGPANAW NI JOBERT AYON SA ANAK NIYANG SI CARLO SA GALLERY NA ITO:

Pagbabahagi ni Tito Boy, malapit din si Jobert at ang kaniyang pamilya sa kaniya, at sinabing mami-miss niya ang kanyang kaibigan.

“I cannot find a more loyal friend than Jobert. I will always remember him,” sabi ni Boy.

Nitong Linggo, August 2, malungkot na ibinalita sa Facebook page ng online channel na 'Oras ng Opinyon Talakayan at Diskusyon' (OOTD) na pumanaw na nga ang beteranong entertainment columnist.

“Sa aming mga minamahal na manonood at tagasuporta, lubos po naming ipinapaalam na ang aming pinakamamahal na Nanay Jobert Sucaldito ay mapayapang pumanaw ngayong Agosto 2, 2026,” pahayag ng OOTD.

Kasabay nito, humiling din ang pamilya ni Nanay Jobert ng panalangin at kapayapaan para sa kaluluwa ni Nanay Jobert.