GMA Logo Tito Mars and Sassa Gurl
What's on TV

Tito Mars, nag-react sa patama ni Sassa Gurl tungkol sa isang influencer

By Aedrianne Acar
Published January 2, 2025 5:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Momo resigns as member of 2026 nat'l budget bicam
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'
Mall of Asia opens football park to boost the sport's popularity in PH

Article Inside Page


Showbiz News

Tito Mars and Sassa Gurl


Tito Mars, may tugon sa mga sinabi ni 'Balota' star Sassa Gurl tungkol sa isang content creator nang mag-guest ito sa 'Your Honor.'

Inabangan ng mga netizen at tsismosa ang sagot ng content creator na si Tito Mars sa naging statement ng Balota star at social media star na si Sassa Gurl sa Your Honor tungkol sa isang influencer na dapat magbago.

Sa isang bahagi ng YouLOL Originals vodcast, tinanong ni Buboy Villar si Sassa Gurl na: “Sa mga influencers ngayon, sino ang kailangang magbago ngayong 2025?”

Sagot ni Sassa, “Oh My God! Ay marami.. Puwede pa ba mag-shout out ng isa?

“Kakadaan ko lang sa ano sa video ni [bleep] kanina. Nakakaloka si bakla, kasi yung video kasi lahat ng mga hindi niya gusto kainin. Dami pala dai!”

Sabat ni Tuesday, “Bukod dun sa unang nag-viral?”

“Meron pang ano, parang ano si ate, playtime ka naman. Ano kinain mo? Ang pinakanatawa ako dun meron pa siyang tubig. 'Tapos naisip ko, bakit naman [tubig]? Tubig NAWASA pala. Maarte si bakla.”

Tapos hirit ni Sassa Gurl, “Magbago ka na girl.”

Talagang pinag-usapan noong May 2024 online ang content ni Tito Mars na “eating challenge” kung saan kitang-kita ang pandidiri nito sa pagkain ng sardinas.

@youlolgma Magbago ka na raw, Tito! Catch Your Honor's Full Episode on YouLOL Youtube channel! #yourhonor #youlolgma #youlolyourhonor #gmanetwork #buboyvillar #tuesdayvargas #sassagurl #youloloriginals #fyp #gma ♬ original sound - YoüLOL
@tito.mars.5.0 Replying to @aLi-nHoR 17 Yes mima sasa! 😅♥️ #fyppppppppppppppppppppppp #titomars ♬ original sound - Tito Mars 5.0

Sa isang TikTok video, nagsalita na si Tito Mars sa mga nabanggit ni Sassa Gurl sa Your Honor at aminado ito na siya ang pinatutungkulan ng sikat na online personality.

Sabi niya, “Like ako lang naman 'yung maarte sa sardinas na nag-super trending, tapos, kumain ng mga kung ano-ano napakaarte alam mo 'yun. Kahit ako rin talaga sa sarili ko nung pinapanood ko 'yung mga videos na ginawa ko nun, nung May to be exact, naiinis din talaga ako, kasi parang, 'Ate! Ano yan lahat na lang ayaw mo kainin napakaarte naman.'”

“Parang to the point na hindi na siya kapani-paniwala and knowing na hindi naman ako sobrang yaman, hindi naman ako Ayala.”

Napagtanto rin ni Tito Mars na talagang may mali sa ginawa niyang content lalo na at maraming tao ang na-offend.

“Pero hindi ko lang talaga alam nung mga times na 'yun kung bakit sobrang daming tao naniniwala na hindi talaga ako kumakain ng mga pagkain na hindi ko pinagkakakain. At alam ko rin naman talagang sobrang dami tao kong na-o-offend nung mga panahon na 'yun lalong-lalo na sa sardinas, kasi, nung iniisip ko uli 'yung mga contents na ginawa ko na 'yun lalo sa sardinas, naku te! Nakakainis nga, kasi parang ang ginawa ko dun to be honest parang indirectly tinatapakan ko 'yung mga pagkain ng mahihirap, which I know is sobrang mali at hindi naman talaga tama.

“Kaya nga ngayon, kung napapansin n'yo kahit papaano pinipilit ko magkaroon ng character development sa mga content na ginagawa ko. Ganun pa rin naman siya, pangingialam, pakikisawsaw, pakikitsismis. Pero hangga't maaari, dinadaan ko siya in a very nice way. To the point na hindi na ako si palasigaw, si palaaway, si palamura.”

Mensahe naman niya kay Sassa Gurl, “Yes, Mima Sassa Gurl thank you kasi, sa lahat ng content creators na naging toxic, naging pasaway, naging paepal ngayong 2024 eh, ako 'yung naisip mo diyan. Ito sinusubukan ko na talagang magbago ng content ngayon. Hangga't maaari pinipili ko na mas maging makabuluhan, mas maging maayos 'yung pagde-deliver ko. Kasi, meron naman talagang mga punto 'yung mga pinagsasabi ko, sadyang, hindi lang talaga siya kaayaaya pakinggan.”

RELATED CONTENT: CAREER JOURNEY OF SASSA GURL