
Isa sa mga pinakasikat na content creator ngayon ay ang comedy duo nina Tito Marsy at Tito Abdul. Nakilala sila sa mga skit kung saan nagpapanggap silang gay, na nagpapanggap na mga tunay na lalaki. Kaya naman, lalong nalito ang netizens kung ano talaga ang totoong kasarian ng dalawa.
Sa pagbisita nila, kasama ang food content creator na si Lumpia Queen Abi Marquez, sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, August 5, inamin ni King of Talk Boy Abunda na noong una niyang napanood sina Tito Marsy at Tito Abdul ay inakala niyang lovers ang dalawa.
“Can I be honest? The very first time I saw your video, akala ko mag-lovers kayo,” sabi ng batikang host.
Humalakhak naman ang duo sa komento ni Boy, at sinabing marami na rin ang nagsasabi noon sa kanila. Natutuwa naman daw ang dalawang content creators tuwing nakakakuha ng ganoong komento dahil ibig sabihin noon ay epektibo sila sa kanilang ginagawa.
“Natutuwa lang po, Tito Boy, kasi 'yung 'yung goal namin, e, laruin 'yung utak ng mga tao talaga. Para kapag kunyari, nakasalubong namin, may mga nagtatanong, sasabayan lang namin, katuwaan lang,” sabi ni Tito Marsy.
Dagdag pa ni Tito Abdul, “Ibig sabihin, effective 'yung ginagawa namin.”
Aminado naman din sina Tito Marsy at Tito Abdul na pinupuna rin ng netizens ang pagganap nila bilang gay, ngunit sinabing, “Siguro Tito Boy, out of 100 percent, parang one percent lang.”
Halos lahat na rin daw ng nakakasalubong nila ay tinatanong din kung bakla ba sila, at marami na rin ang nalilito sa kanilang pagkakakilanlan.
Tanong ni Tito Boy, “Nahihiya kayong sabihin na yes?”
Sagot ni Marsy, “Ay, hindi, Tito Boy. Ang lagi naming sagot, Tito Boy, 'It's for you to find out.'”
“Kaya 'yung tagline namin, 'Di mo sure,' 'yun,” dagdag ni Tito Abdul.
Panoorin ang panayam kina TIto Marsy at Tito Abdul dito:
KILALANIN ANG ILAN SA MGA PINAKABAGONG CONTENT CREATORS NG STATUS BY SPARKLE SA GALLERY NA ITO: