
Mahinahon sumagot sa kaniyang mga basher si Joni Lyn Castillo, tiyahin at dating road manager ng ngayon ay controversial actress na si Liza Soberano. Dawit ang pangalan ni Joni sa usapin ng komisyon sa mga talent fee ni Liza noong Kapamilya pa ito.
Naikuwento ni Liza ang naging hatian sa mga kinikita niya with her former manager Ogie Diaz, Star Magic at ng kanyang Tita Joni.
Lahad ni Liza sa programang Fast Talk with Boy Abunda, “I started with him [Ogie Diaz] in 2012 and then up until 2015 or 2016, which was when I was seventeen, 30 percent po 'yung commission niya sa akin, my Tita Joni was taking 20 percent, and Star Magic was taking 10 percent.”
“I also pay US taxes alongside my Philippine taxes because I'm a US citizen and a Filipino citizen so my total take home was around thirty percent,”
Matapos ang rebelasyon na ito ni Liza, may ilang netizen ang nag-komento sa Instagram page ni Joni at sinabihan ito na hindi na raw siya dapat kumuha ng parte sa kinikita ng dalaga.
Komento ng isang netizen, “Ms. Jonilyn, bakit po kumuha pa kayo ng kumisyon kay @lizasoberano sana po nagpasueldo nalang po kayo as RM & PA, hindi po yung may percentage ng salary ni Liza ang kumisyon.
“Tuloy daming ngawa ni Liza kay Tito Boy Abunda. Sinabi nyang fair because yun ang nasa contract pero sa mga dagdag na sabi nya e hindi naman fair tingin nya kaya nga nanghingi kayo ng bawas sa kumisyon ni Ogie Diaz. Dalawadalawa kayo ni Ogie + star magic nangumisyon. Then dahil 'di sumisipot sa tapings etc si Ogie, etc e ano po, wala ng cuenta si Ogie? E pano po yung mga nacclose na deals ni Ogie for Liza? Goodluck kung makaclose ng maraming deals for Liza ang careless nyang new management.”
Sinegundahan pa ito ng isa at nag-post na, “Agree ako dito, sana di nalang nangumisyon sweldo nlng total kamag anak naman. Kaya pala naging ganyan si Liza, andami nyang bagahe and hugot sa buhay, kumbaga pumutok na talaga sya. Sa dami ba naman ng responsibility nya. Kawawa ang bata sa totoo lng.”
Kalmado naman ang naging tugon ni Joni Lyn sa mga bumabatikos sa kaniya.
Aniya, “Buti po pina panood niyo both sides okey po yan if sa tingin nyo may mali ako sorry po.” pagpapatuloy ni Tita Joni, “Pero most of the time po yung pala decide po kayo basta na lng kumada yan po ang nagpapalala.
“Basta ako po ay hindi mukhang pera, ako po ay namumuhay ng sapat ako po ngayon ay kasaluluyang nag bebenta ng Eggdrop sa isang payak na lugar baka gusto nyo po pumasyal @koreanuptownorani.
Tinapos ni Joni ang kanyang pahayag ng, “Mahal ko po ang aking pamangkin, ginagalang ko po si Ogie. Para sa akin na binigyan lang ng ganyang klaseng kulay, kulay itim dahil po sa mga napakakagaling kumuda kaya ang gulo na po.”