
Naglalaro ng apoy ang asawa ni Gavin (Rocco Nacino) na si Dominique (Max Collins) na nahulog na ang loob sa kaibigan at client niya na si Tony (Rafael Rosell).
Ginagawa naman ni Quel (Ina Feleo) ang lahat para payuhan si Dominique na itigil ang affair nila ni Tony.
Ngunit, hanap-hanap ni Dom ang kalinga at atensyon na naibibigay ng lalaki, bagay na nagkukulang si Gavin na busy sa kanyang restaurant business.
Hanggang kailan maitatago ni Dominique ang kanyang secret fling, lalo na at nahuli sila ng kapatid ng kanyang asawa na si Grace (Athena Madrid)?
Malusutan kaya ito ni Dom, matapos siyang kumprontahin ni Grace?
Heto pa ang ilan sa mga maiinit na eksena na dapat n'yo tutukan sa week one ng To Have And To Hold!
To Have and To Hold: Full Episode 1
To Have And To Hold: Full Episode 2
To Have And To Hold: Full Episode 3
To Have And To Hold: Full Episode 4
To Have and To Hold: Full Episode 5
For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit www.gmapinoytv.com.
Walang bibitaw sa maiinit na eksena sa To Have And To Hold gabi-gabi, pagkatapos ng Legal Wives sa GMA Telebabad.
Related content:
Behind the Scenes: 'To Have And To Hold' Pictorial