
Sa ikatlong linggo ng To Me, It's Simply You, nagkasakit si Edward (Nadech Kugimiya) matapos ang Rocket Festival.
Hindi naman naiwasang matuwa ni Vivian (Bow Maylada Susri) nang balikan ang sinayaw ni Edward sa Rocket Festival, na nagpaalala sa kanya noong mga bata pa sila na sumasayaw sa gitna
Samantala, labag man sa kalooban pero dahil sa kasunduan ay walang nagawa si Edward kundi sundin ang ipinag-uutos ni Vivian na tulungan si Richie (Danny Luciano) na manguha ng dumi ng baka, na gagawing natural na pataba ng lupa.
Kasama si Richie, tiniis ni Edward ang hirap, dumi, at baho sa pagpala ng dumi ng baka. Magkasama ring nagpalipas ng gabi ang dalawa matapos na masira ang sinakyang tricycle papunta sa bakahan.
Hanggang saan ang kayang tiisin ni Edward makuha lamang ang mamanahing lupa sa kanyang lola?
Subaybayan ang To Me, It's Simply You, Lunes hanggang Biyernes, 9:00 a.m. sa GMA.
Balikan ang mga eksena sa To Me, It's Simply You:
To Me, It's Simply You: Vivian goes down memory lane | Episode 11
To Me, It's Simply You: Edward gets down and dirty | Episode 12
To Me, It's Simply You: Edward's vision of hell | Episode 12
To Me, It's Simply You: The unexpected bromance | Episode 13
To Me, It's Simply You: Edward's awkward family | Episode 13
KILALANIN ANG CAST NG 'TO ME, IT'S SIMPLY YOU' RITO: