
Sa ikawalong linggo ng To Me, It's Simply You, ipinagtapat na ni Edward (Nadech Kugimiya) ang tunay na nararamdaman para kay Vivian (Bow Maylada Susri).
Habang nasa bukirin kasama si Vivian, sinabi na ni Edward na mahal niya ang dalaga. Agad naman itong sinuklian ni Vivian ng isang halik sa pisngi. Patuloy na naging malapit sina Edward at Vivian matapos ang insidenteng nangyari sa kanila sa lawa kung saan hinabol sila ng masasamang lalaki at pinagbabaril.
Buo naman ang suporta ng pamilya nina Edward at Vivian sa pag-iibigan nilang dalawa. Samantala, nagbabalik ang celebrity ex-girlfriend ni Edward na si Alice (Lita Kaliya Niehuns). Bakit kaya nito gustong muling makita ang binata?
Patuloy na subaybayan ang huling dalawang linggo ng To Me, It's Simply You, Lunes hanggang Biyernes, 9:00 a.m. sa GMA.
Balikan ang mga eksena sa To Me, It's Simply You:
To Me, It's Simply You: Is this a goodbye to your apple of the eye? | Episode 36
To Me, It's Simply You: Edward's confession | Episode 37
To Me, It's Simply You: Edward plots a surprise | Episode 38
To Me, It's Simply You: The curious ex-lover | Episode 38
To Me, It's Simply You: Vivian's brilliant mind | Episode 39
KILALANIN ANG CAST NG 'TO ME, IT'S SIMPLY YOU' RITO: