
Sa ikasiyam na linggo ng To Me, It's Simply You, muling nakita ni Edward (Nadech Kugimiya) ang ex-girlfriend na si Alice (Lita Kaliya Niehuns).
Sa pagpunta ng kaibigang direktor sa kanilang baryo para mag-shoot ng commercial, pumunta rin si Alice sa bahay ni Edward at sinubukang humingi ng tawad.
Hindi naman naiwasan ni Vivian (Bow Maylada Susri) na magselos at malungkot nang mabalitaang hinalikan ni Edward si Alice at pumunta pa sa hotel ng huli.
Agad namang nilinaw ng binata sa kanyang pamilya na mali sila ng iniisip at hindi niya hinalikan si Alice. Sinabi lamang ng huli na isasauli na niya ang perang napagbentahan sa condominium na pagmamay-ari ni Edward.
Nang matapos na i-shoot ang commercial sa kanilang bukirin, hindi alam ni Edward na narinig ng kanyang pamilya at mga kaibigan ang balak nitong gawin sa lupang mamanahin sa kanyang lola. Hindi makapaniwala ang lahat nang marinig ang planong pagbenta ni Edward sa lupain sa halagang 30 million.
Patuloy na subaybayan ang huling linggo ng To Me, It's Simply You, Lunes hanggang Biyernes, 9:00 a.m. sa GMA.
Balikan ang mga eksena sa To Me, It's Simply You:
To Me, It's Simply You: Alice meets the family | Episode 40
To Me, It's Simply You: The grumpy farm owner | Episode 41
To Me, It's Simply You: The town's looming trouble | Episode 42
To Me, It's Simply You: Hidden agenda | Episode 43
To Me, It's Simply You: The town's fallacy | Episode 43