
Sa huling linggo ng To Me, It's Simply You, buo na ang loob ni Edward (Nadech Kugimiya) na huwag nang ibenta ang lupaing mamanahin sa kanyang lola at gawin itong organic farmland na pangunahing mapagkukunan ng pagkain ng kanilang baryo.
Hindi naman tumigil ang binata sa panunuyo kay Vivian (Bow Maylada Susri) at nagtrabaho sa bukirin para maipakita sa dalaga na tapat ang magandang hangarin niya sa kanilang lupain.
Please embed: https://drive.google.com/file/d/12WCVtfnFjRFkTcDJTius5XTyCFfcmFgG/view?usp=drivesdk
Gumawa na rin ng plano ang pamilya ni Edward kasama ang mga magulang ni Vivian para bumalik ang magandang relasyon ng dalawa.
Sa huli, nagtagumpay si Edward sa panunuyo kay Vivian at tinanggap ng dalaga ang alok na kasal ng binata.
TINGNAN ANG CAST NG 'TO ME, IT'S SIMPLY YOU' RITO: