GMA Logo To Russia With Love
What's on TV

'To Russia with Love' starring Gerald Anderson, mapapanood sa I Heart Movies

By Marah Ruiz
Published February 20, 2026 7:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barbie Forteza gets support from Dingdong Dantes, Alden Richards at 'Until She Remembers' premiere
Woman nabbed in Makato, Aklan for fake P1,000 bills
Several universities suspend classes on February 25 to commemorate EDSA People Power Revolution

Article Inside Page


Showbiz News

To Russia With Love


Isa ang 'To Russia with Love,' starring Gerald Anderson, sa mga pelikulang mapapanood sa I Heart Movies ngayong linggo.

Isang cross-cultural love story ang hatid ng digital channel na I Heart Movies ngayong linggo.

Mapapanood ngayong linggo ang pelikulang To Russia with Love na pinagbidahan ni Gerald Anderson.

Gaganap dito si Gerald bilang Dennis, isang Pinoy na mai-in love kay Oksana (Elena Kozlova), isang turistang Russian.

Bilang sorpresa kay Oksana, bibisita si Dennis sa Moscow kung saan makikilala niya ang istrikto at very traditional na tatay nito.

Papasa ba si Dennis sa mga magulang ni Oksana?

Abangan ang To Russia with Love, February 25, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Para naman sa fans ng horror comedy, huwag palampasin ang Mang Kepweng Returns na pinagbidahan ni Vhong Navarro.

Gaganap siya dito bilang isang lalaking nakakakita ng mga multo at masasamang espiritu.

Matatanggap ba niya ang kapalaran bilang napiling tagapagmana ng legendary albularyo na si Mang Kepweng?

Abangan ang Mang Kepweng Returns, February 27, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.