GMA Logo To Russia with Love
What's on TV

'To Russia with Love' starring Gerald Anderson, tampok sa I Heart Movies

By Marah Ruiz
Published April 23, 2024 11:38 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LA Tenorio, Yukien Andrada relish Magnolia debuts as playing coach, rookie
December 22, 2025: One North Central Luzon Livestream
Check out these gifts that champion health and comfort

Article Inside Page


Showbiz News

To Russia with Love


Isa ang 'To Russia with Love,' starring Gerald Anderson, sa mga pelikulang mapapanood sa I Heart Movies ngayong linggo.

Puno ng pag-ibig ang mga pelikulang hatid ng digital channel na I Heart Movies ngayong linggo.

Isang cross-cultural love story ang dapat abangan sa To Russia with Love na pinagbidahan ni Gerald Anderson.

Gaganap dito si Gerald bilang Dennis, isang Pinoy na mai-in love kay Oksana (Elena Kozlova), isang turistang Russian.

Bilang sorpresa kay Oksana, bibisita si Dennis sa Moscow kung saan makikilala niya ang strikto at very traditional na tatay nito.

Papasa ba si Dennis sa mga magulang ni Oksana?

Abangan ang To Russia with Love, April 27, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.


Huwag din palampasin ang LGBTQIA+ love story na 4 Days, starring Mikoy Morales at Sebastian Castro.

Iikot ang kuwento nito sa college roommates na magsisimula ng isang romantic relationship kahit pareho pa silang hindi out.

Paano kung isa sa kanila ang gusto nang magladlad habang tutol naman dito ang isa?

Panoorin ang 4 Days, April 25, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.