Inilunsad noong June ang tatlong levels ng audition sa GMANetwork.com/tothetop. Nagsimula ang online program na may higit isang daang kalahok, at nagtapos sa isang qualifying performance kung saan inanunsiyo ang top 14 artists.
Nagkaroon din ng voting period kung saan binigyan ang fans ng pagkakataong bumoto at iligtas ang kanilang paboritong trainee mula sa permanent elimination.
Matapos ang mahigit isang buwan ng auditions, at matinding vocal and dance trainings ay handa nang magpasiklab at magpakitang-gilas ang To The Top artists on national TV.
Eere ang 1-hour pilot episode ng To The Top ngayong Sabado, July 25,
at 8:50 P.M. pagkatapos ng Magpakailanman at bago ang Celebrity Bluff. Sa Linggo naman, July 26, ay mapapanood ang ikalawang episode at 9:40 P.M. pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho at bago ang Sunday Night Box Office (SNBO).
Tutok na ngayong weekend para sa isang kapanapanabik na Saturday at Sunday night kasama ang inyong mga bagong idolo, mga Kapuso!