GMA Logo kate valdez antonio aquitania on tols
What's on TV

Tols: Kate Valdez at Antonio Aquitania, guest celebrities ngayong Sabado

By Aimee Anoc
Published September 2, 2022 10:56 AM PHT

Around GMA

Around GMA

2 dead, 3 believed trapped in tunnel in alleged treasure hunt in Panabo
Alex Eala, Zeynep Sonmez fall to higher-ranked foes to exit Madrid Open Doubles

Article Inside Page


Showbiz News

kate valdez antonio aquitania on tols


Mag-relax at makitawa sa funny episode ng 'Tols' ngayong Sabado kasama sina Sparkle actress Kate Valdez at Antonio Aquitania.

Bakit kaya bibisita sa Tols' Barbers & Salon ang sikat na celebrity na tulad ni Geneva Ochoa (Kate Valdez)?

Paniguradong may pasikatang magaganap kina Uno (Kelvin Miranda), Dos (Shaun Salvador), at Third (Abdul Raman) kasama na si Makoy (Arkin del Rosario) para magpa-impress kay Geneva. Pero bakit tila nagseselos si Olive sa atensyon na ibinibigay ng boys kay Geneva?

Samantala, isa na naman sa ex-boyfriend ni Mommy Barbie (Rufa Mae Quinto) ang nagbabalik, si Cris (Antonio Aquitania). Posible kayang siya na ang tunay na ama ng triplets?

All out na naman ang saya at katatawan sa Tols kasama ang special guests na sina Kate Valdez at Antonio Aquitania ngayong Sabado, September 3, 7:00 p.m. sa GTV.Inside link:

Panoorin ang iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, huwag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.

KILALANIN ANG IBA PANG CAST NG 'TOLS' DITO: