What's Hot

'Tom and Jerry Kids Show' tuwing Sabado at Linggo sa GMA-7

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 10, 2020 1:25 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Balita sa Unang Hirit: (Part 1) JANUARY 19, 2026 [HD]
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



Ang nakakatawa at kwelang tambalan nina Tom at Jerry ay magbabalik sa memory lanesa pamamagitan ng Tom and Jerry Kids Show sa GMA-7. Simula December 18,mapapanood ito tuwing Linggo, 8AM, at tuwing Sabado, 7AM, kapalit ng Tom and Jerry Tales.
Ang nakakatawa at kwelang tambalan nina Tom at Jerry ay magbabalik sa memory lane sa pamamagitan ng Tom and Jerry Kids Show sa GMA-7. Simula December 18, mapapanood ito tuwing Linggo, 8AM, at tuwing Sabado, 7AM, kapalit ng Tom and Jerry Tales.
 
Natunghayan na ng marami ang bangayan ng cat and mouse duo na ito, subalit hindi pa nila nakikita kung paano sila mangulit sa isa’t isa noong sila ay mga paslit pa. Ito na ang pagkakataon upang mapanood ang kwelang alitan at walang humpay na habulan nina Tom at Jerry simula pagkabata!
 
Nautakan kaya ng pusang si Tom, kahit isang beses man lamang, ang dagang si Jerry noong sila ay bata pa?
 
Siguradong matatawa ang mga manonood sa cartoon series na ito na mistulang history ng complicated relationship nina Tom at Jerry! Panoorin ang Tom and Jerry Kids Show tuwing Sabado ng 7am at tuwing Linggo ng 8AM sa GMA-7.