What's on TV

Tom Okanawe, tapat na kaibigan sa 'Wolfblood'

By MARAH RUIZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 9, 2017 6:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cabral poised to do ‘tell-all’ before her death, says Lacson
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News



Si Kedar Williams-Stirling ang gaganap bilang Tom sa 'Wolfblood' simula February 14.

Simple lang ang buhay ni Tom Okanawe sa maliit na bayan ng Stoneybridge. 
 
Mahilig siya sa football at fan ng team na Manchester United. Kasama rin siya sa football team ng kanilang paaralan na Bradlington High.
 
Bukod dito, bahagi rin siya sa photography club kasama ang kanyang mga kaibigang sina Maddy Smith at Shannon Kelly. 
 
Magbabago ang kanilang barkadahan sa pagdating ni Rhydian Morris sa Stoneybridge. 
 
Ipagtataka ni Tom kung bakit halos instant ang pagkakaibigan at pagiging close nina Maddy at Rhydian. Kakaiba rin sa kanya kung bakit madalas pumunta sa kagubatan ang dalawa.
 
Lingid sa kanyang kaalaman, mga Wolfblood sina Maddy at Rhydian. Parteng tao at parteng lobo ang mga ito, at itinatago nila ang kanilang mga kakaibang abilidad mula sa mga tao.
 
Mananatilng tapat kay Maddy. Madalas pa rin niya itong tutulungan kahit hindi niya naiintidihan ang pinagdadaanan nito.
 
Pero kaya rin ba niyang matanggap bilang kaibigan si Rhydian?
 
Si Kedar Williams-Stirling ang gaganap bilang Tom. 
 
Abangan siya sa Wolfblood, simula February 14, 9:10 am sa GMA.
 
MORE ON 'WOLFBLOOD':
 
Maddy Smith, typical teenager with a big secret in 'Wolfblood'
 
Rhydian Morris, ang lone wolf ng 'Wolfblood'