Celebrity Life

Tom Rodriguez, binuhat at inuwi si Carla Abellana?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 24, 2020 1:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Venezuela's Maduro willing to hold 'serious' talks with US
Negros Occ records over 260 road mishaps
2026: A guide to the Year of the Fire Horse

Article Inside Page


Showbiz News



Promo pa rin ba ito ng movie nila o totohanan na ang kilig?
By BEA RODRIGUEZ

Sweet na sweet ang Kapuso stars na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana sa promo ng kanilang bagong pelikula na No Boyfriend Since Birth sa Fisher Mall.

Binuhat ng hunk actor ala “bridal carry” ang kanyang leading lady mula sa stage hanggang sa tent. Saad ni Carla sa kanyang Instagram post, “Biro ko sa kanya sa bandang dulo nitong video, ‘Iuwi mo na kaya ako!’ kaya muntik nang lumiko papuntang parking. Waaah!”

 

Etong si @akosimangtomas kung ano-ano ginagawa lately sa mga promo namin ng #NoBoyfriendSinceBirthMovie ???????????? Isang beses sinubukan akong nakawan ng halik sa CelebriTV na muntik na talagang matuloy. Tapos nung huli naming mall show sa Fisher Mall binuhat naman ako mula sa stage hanggang sa tent! ???? Biro ko sa kanya sa bandang dulo nitong video, "iuwi mo na kaya ako!" kaya muntik nang lumiko papuntang parking! Waaah! ???? Kaya kung gusto niyo ng mga nakakakilig na eksenang ganito, nood na ng #NBSBMovie na showing na today! ??

A video posted by Carla Abellana (@carlaangeline) on



READ: Tom Rodriguez and Carla Abellana go on dates despite busy schedule 

Nagugulat na lamang ang aktres dahil sa mga paandar ni Tom. Kuwento niya, “[Itong] si Tom kung ano-ano ginagawa lately sa mga promo namin. Isang beses sinubukan akong nakawan ng halik sa CelebriTV na muntik na talagang matuloy.”

WATCH: Tom Rodriguez steals kiss from Carla Abellana 

Marami umanong eksenang kagaya nito sa pelikula kaya iniyaya ng Kapuso star ang kanyang mga followers na manuod. Aniya, “Kaya kung gusto niyo ng mga nakakakilig na eksenang ganito, nood na ng NBSB na showing na today!”

READ: Carla Abellana reveals special quality about Tom Rodriguez