What's on TV

Tom Rodriguez, gaganap bilang gurong makukulong dahil sa kasinungalingan sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Published February 17, 2022 3:04 PM PHT
Updated February 17, 2022 4:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIST: Taekwondo medalists from the Philippines in the 2025 SEA Games
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Tom Rodriguez


Bibigyang-buhay ni Tom Rodriguez ang kuwento ng isang guro na nakulong dahil sa maling paratang sa upcoming fresh at brand new episode ng '#MPK.'

Isa na namang natatanging pagganap ang maipapamalas ni Kapuso actor Tom Rodriguez sa real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Pinamagatang "Lies and Secrets: The Julio Millet Bocauto Story," bibigyang-buhay ni Tom sa fresh at brand new episode na ito ang kuwento ni Julio o mas kilala sa palayaw na JR, isang guro.


Bilang isang high school teacher, personal na ginagabayan ni JR ang kanyang mga estudyante. Isa na dito si Anton, na gaganapan ni Bryce Eusebio.

Mahirap ang pamilya ni Anton pero nakikitaan siya ng potensiyal ni JR. Dahil dito, ginagabayan siya ni JR sa pagsali sa mga school contests, paghahanap ng scholarship at nag-aabot pan ng tulong pinasiyal.

May mga magbibigay ng malisya sa pagiging malapit ni JR kay Anton. Kaya naman para maingatan ang kanilang pagkakaibigan, kanyang career at maging kanyang reputasyon bilang ama at asawa, lalayo si JR kay Anton.

Ikagugulat na lang ni Anton nang dakipin siya ng mga pulis dahil sinampahan siya ni Anton ng kasong sexual abuse.

Bukod kina Tom at Bryce, bahagi din ng episode sina Shamaine Buencamino, Faye Lorenzo, Maritess Joaquin at Dentrix Ponce.

Abangan ang natatanging pagganag ni Tom Rodriguez sa fresh at brand new episode na "Lies and Secrets: The Julio Millet Bocauto Story," February 19, 8:00 pm sa #MPK.

Samantala, silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: