
Bibigyang-buhay ng Kapuso actor sa naturang pelikula si Senador Juancho Magtanggol, isang senador na may malaking malasakit sa mga pinoy na nagtatrabaho sa ibang bansa.
Abala ngayon si Tom Rodriguez para sa katatampukan niyang pelikula na "Magtanggol," isang advocacy film na nagbibigay suporta sa mga OFW.
Bibigyang-buhay ng Kapuso actor sa naturang pelikula si Senador Juancho Magtanggol. Isa siyang senador na may malaking malasakit sa mga pinoy na nagtatrabaho sa ibang bansa. Aniya, hindi raw biro ang ginawa niyang paghahanda para rito.
"I did watch a lot of senate hearings online. At least in a way because of this project, it makes me more aware of our political situation din in the country. In a way, it empowers me to do so," pag-amin niya sa panayam ng 24 Oras.
Kabilang din sa Magtanggol sina Dina Bonnevie at ang bagong Kapuso star na si Kim Domingo.