
Muling mapapanood si Kapuso actor Tom Rodriguez sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Bibigyang-buhay niya ang kuwento ng isang pari na tatalikuran ang tungkulin sa simbahan sa episode na pinamagatang "Ang Paring Tumiwalag."
Gaganap dito si Tom bilang Father Henry, isang respetadong parish priest. Maraming nagmamahal sa kanya sa kanilang parokya dahil sa progresibo niyang mga pananaw at tunay na malasakit sa mga tao.
Masusubukan ang tatag ng bokasyon ni Father Henry nang makilala niya ang isang dalagang volunteer sa youth ministry na si Clarisse, played by Ashley Ortega.
Mapagsisilbihan pa ba ni Father Henry ang simbahan kung magbunga ang pag-iibigan nila ni Clarisse?
SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:
Abangan ang brand-new episode na "Ang Paring Tumiwalag," October 11, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.