
Kahit parehong nasa lock-in taping in full swing pa rin ang wedding preparations ng Kapuso power couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez.
Ginulat ng dalawa ang mundo ng showbiz nang umamin sila na engaged na sila noong October 2020 pa.
Sa one-on-one interview ni Nelson Canlas sa The World Between Us actor, inisa-isa niya ang mga ginagawa nilang paghahanda para sa kanilang kasal.
Ani Tom, “Napa-Zoom meeting ako, while Carla is [in talks with] our wedding coordinator, since Carla is locked-in (taping of To Have and To Hold) at the same time, so we have to do everything remotely.
“So buti na lang we have a great team.”
Dagdag niya, “I know how hard it is. Sa akin naman, alam mo, Nelson, requirement ko nandoon lang ako, e. Ako 'yung katabi.”
Ayon sa Kapuso primetime actor, magsu-suot siya ng suit sa kasal nila sa Oktubre at ang theme ng kanilang wedding ay white, gold, and a hint of black.
Todo din ang ibinibigay na suporta ni Tom Rodriguez sa ginagawang desisyon ng kanyang future wife at i-expect daw na lilitaw ang katangian ni Carla sa kanilang wedding ceremony na simple, pero elegante.
Paliwanag pa ni Tom sa "Chika Minute," “Support ako, siyempre, para may participation. 'Pag kailangan ng mga decision na which one is better, (points with his finger) here, here, here these choices… Matapang na ako dun [laughs].”
Related content:
EXCLUSIVE: Carla Abellana celebrates birthday at 'To Have And To Hold' lock-in taping