
Nasa panibagong kabanata na muli ng kanyang buhay ang Kapuso actor na si Tom Rodriguez.
Sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras Weekend noong Sabado, December 6, inamin ni Tom sa press conference para sa kanyang upcoming 51st Metro Manila Film Festival entry na Unmarry na siya ay ikinasal na sa kanyang bagong partner.
Hindi nagbigay ng karagdagang detalye si Tom tungkol sa kanyang bagong buhay may-asawa, at nanatiling anonymous ang kanyang partner, na ina rin ng kanyang anak na si Korben.
Nilinaw din ng aktor na hindi niya itinatago ang kanyang mag-ina at mas masaya na siya sa kanilang simpleng pamumuhay.
“We just live a normal simple life,” sabi ni Tom.
Dagdag pa niya, “Hindi ko naman sila tinatago. Sa akin lang, I just wanna live my life privately pero we go out, we have a community kung saan kami nakatira. Kung ano 'yung buhay namin noong nasa U.S. kami, we try to do the same here.”
Nagbigay rin siya ng mensahe para sa kanyang ex-wife na si Carla Abellana na kakaanunsyo lang ng kanyang engagement noong December 1.
“I wish them well and, 'yun nga, I'm glad to know everyone is moving on. We all deserve,” pahayag niya.
Si Tom at Carla ay ikinasal noong 2021 at kinumpirma ang kanilang divorce noong 2022.
Noong 2024, inamin ni Tom na mayroon na siyang anak na si Korben at nagbahagi ng family photos.
Samantala, tingnan dito ang ibang celebrities na ikinasal muli: