What's on TV

Tom Rodriguez, magbabalik sa pag-arte sa bagong episode ng '#MPK'

By Marah Ruiz
Published March 14, 2024 7:08 PM PHT
Updated March 15, 2024 11:13 AM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Tom Rodriguez in MPK


Magbabalik sa pag-arte si Tom Rodriguez matapos ang dalawang taon sa bagong episode ng '#MPK.'

Dalawang taong nagpahinga mula sa showbiz ang aktor na si Tom Rodriguez.

Magbabalik siya sa pag-arte sa bagong episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Bibigyang-buhay ni Tom ang kuwento ng kapwa aktor na si Bryan Benedict. Nagkasama sina Tom at Benedict sa programang Mulawin VS Ravena pero hindi sila nagkaroon ng eksena.

"Dream niya sa buhay 'yung mag-showbiz kaso sinakripisyo niya 'yung pangarap niya na 'yun para alagaan 'yung dalawa niyang parents na PWD (persons with disabilities)," paglalarawan ni Tom sa bahagi ng buhay ni Bendict na mapapanood sa #MPK.

Ito ang unang acting project ni Tom mula nang magbalik mula sa Amerika. Aminado siyang nangapa siya muli pagdating sa pag-arte.

"Nakakapanibago. Parang back to zero. Parang kindergarten uli 'yung mga ilaw, camera, lights. All I tried to do was really immerse myself in the role pero at the same time I couldn't help but feel those nerves," bahagi niya.

Nakatanggap siya ng suporta mula sa co-star niya sa episode na si Elizabeth Oropesa na gaganap bilang nanay niya sa episode.

"She was there to really lend a hand. This is my first taping uli. This is my first acting gig after a two-year hiatus," lahad ni Tom.

"I really asked for guidance and for help kasi I was very nervous and I had a lot of rust," dagdag pa niya.

Bukod kina Tom at Elizabeth, bahagi rin ng episode sina Rolando Inocencio, Via Veloso, Chanelle Latorre, at Aidan Veneracion.

SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:


Abangan ang brand-new episode na "A Mother to Remember: The Bryan Benedict Story," March 16, 8:15 p.m. sa #MPK.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.